Horoscope, December 06, 2018

By Madam Sophia December 06,2018
share this

Horoscope, December 06, 2018

By Madam Sophia December 06,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Pula ang mapalad na kulay. Ito ang lagi mong suutin lalo na ngayong kaarawan mo. Sa ganyang paraan maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating. Mapalad ang 4, 13, 17, 38, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mani-Padme-Hum”. Bukod sa red buenas ang violet.

Aries – (Marso 21-April 19) — Tama ang desisyong dispatsahin na ang mga taong walang pakinabang. Sa pag-ibig, darating na ang isang Sagittarius na matalino at sikat. Sa pinansyal, laging makiumpok sa mga taong masisipag at maperpera upang mahawahan ka nila ng kanilang suwerte at ng kanilang magandang kapalaran. Mapalad ang 7, 22, 27, 36, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Udatta-Savitra-Om.” Red at yellow ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Wag mahirati sa dati ng ginagawa, bagong istilo ng romansa ang dapat. Sa pinansyal, kailangang makaisip ng inobasyon, upang mapagkaperahan mo ang modernong teknolohiya. Mapalad ang 1, 19, 25, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Silver at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Mercury ang ruling planet mo. Ang Mercury ay sinisimbolo ng “isang nilalang na tumatakbo, na wala anomang saplot sa katawan na may pakpak sa paa!” Sa pagdidisplay ng painting o pigurang ito, yayaman ka at magiging maligaya. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pinansiyal, ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi. Sa relasyon, ibulalas ang pag-ibig sa minamahal, mamayang gabi, yayain siyang kunwaring matutulog kayo ng maaga pero iba pala ang inyong gagawin. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Lalago ang kabuhayan kung mag-ipon na “ten pesos” araw-araw. Simulan mo na ngayon pa lang upang pagsapit ng edad mong 50 pataas – mayaman ka na! Sa pag-ibig, laging ipaalala sa kasuyo ang kahalagahan ng pagtitipid. Mapalad ang 1, 9, 28, 34, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanthi-Om.” Orange at black ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa sariling diskarte, makakaya mong magpayaman, basta’t lagi ka lang mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig ay ganon din, habang dumadami ang pera lalo namang magiging masaya ang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 16, 23, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Keh-Balam.” Silver at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — May immoral na relasyong nagbabanta. Tandaang hindi totoong masaya at masarap ang maraming kapareha – sa umpisa lang yan maligaya, sa bandang huli problema rin ang dulot ng illicit love affair. Panatiliin ang pagiging tapat sa kasuyong uto-uto. Mapalad ang 7, 23, 32, 43, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Siva-Krisna-Om.” Purple at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Kung hindi ka lalapit sa isang kadugo o kapamilya, papaano mo malulutas ang problema? Sa pag-ibig, ibahagi sa iyong kasuyo ang nararamdamang takot at pagaalala. Mapalad ang 2, 11, 26, 28, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Jahur-Veda-Om”. Blue at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Iwasan ang labis na pagtulong sa kaibigan. Sa bandang huli kung sino pa ang pinapautang at tinutulungan mo sila pa ang magsasabi sa iyo na masama kang tao. Sa pag-ibig, maganda ka lang at mabait kapag nabibigyan mo ng materyal na bagay ang minamahal. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva- Me-Om”. Blue at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Upang mas mabilis na yumaman, laging isa isip ang kasabihang: “Pera-pera lang walang personalan!” Sa pag-ibig, paglaanan ang future, imungkahi sa kasuyo na mag-share-saving kayo at sa iyo ito ipatago. Mapalad ang 4, 12, 21, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimo-Om-Agara.” Red at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Ngayon pa lang pag handaan na ang Pasko at ang Bagong Taong darating. Ilista na ang mga inaanak at ang mga pangalan ng mga taong nais bigyan ng regalo. Iplano na rin kung saan kayo magde-date ng kasuyo sa araw ng pasko at kung paano bubuuin ang Simbang Gabi. Mapalad ng 3, 6, 16, 24, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om.” Red at Purple ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Walang ibang magbibigay ng magandang kapalaran kundi ang sarili mo rin. Magsimula ka ng magsikap ngayon. Sa pag-ibig, wag umasa sa mga kaibigan, ikaw ang dapat na gumawa ng aksyon upang lumigaya at yumaman ang inyong pamilya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas.” Gray at silver ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending