ML extension go lang– GMA

IBIBIGAY ng Kamara de Representantes ang muling pagpapalawig ng Martial law at suspensyon ng writ of habeas corpus sa Mindanao kung ito ang nais ni Pangulong Duterte.

“If it comes to our Chamber, I will recommend that we pass it,” ani House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Sinabi ni Arroyo na hinihintay lamang ng Kamara ang pormal na request ng Malacanang.

Ganito rin ang sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., nang tanungin kaugnay ng panukala na muling i-extend ang martial law hanggang sa Disyembre 31, 2019.

Tanging ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan na palawigin ang deklarasyon ng martial law.

“The inputs and views of the congressmen from Mindanao, who represent the people directly affected, will carry much weight during the deliberations,” ani Andaya.

Read more...