Puhunan pangalagaan

By Susan K December 05,2018
share this

Puhunan pangalagaan

By Susan K December 05,2018
share this

KAPAG tinawag na isang OFW, isa siyang manggagawa sa ibayong dagat.

At hindi magaan na trabaho ang kanilang ginagawa. Palibhasa malayo sa pamilya, walang uuwiang asawa at mga anak, kaya naman todo-overtime.

Sa halip na uuwi na lang sila, makabubuti pang ipagtrabaho na lamang ang natitirang oras para sa karagdagang kita na maipadadala sa pamilya.

May pagka-feeling immortal din kasi ang ating mga OFW! Para bang mga superman at superwoman. Parang walang mga kamatayan!

Sabagay sabi nga ng ating cardiologist na si Dr. Ernie Baello, talagang ganyan ang pakiramdam lalo kung medyo bata pa.

Pero ano nga ba ang puhunan ng bawat OFW?
Ang kanilang mabuting kalusugan. Malakas na katawan at hindi pupuwedeng may sakit o masasakitin.

Paano nga naman makakapagtrabaho kung palaging nasa hospital o di kaya ay nakahiga na lamang sa araw-araw dahil hindi kaya ng katawan.

Walang tatagal na employer kapag ganyan ang OFW. Maasahan kaya nating mapagtitiyagaan pa siyang alagaan ng employer? Natural hindi!

Tiyak na agad nilang pauuwiin ang OFW at hahanap na lamang ng kapalit.

Kaya huwag sanang abusuhin ng ating mga OFW ang kanilang mga katawan. Maging ugali ang regular na pagpapa-check up.

Sabi pa ni Dr. Baello, kahit pa ang cancer, kaya pang magamot sa early detection. At ang susi niyan, ang madalas na pagpapa-check up.

Huwag balewalain ang mga sakit na nararamdaman sa katawan, bago pa magsisi.

Iyan lamang ang tanging puhunan ng mga OFW, ang kanilang kalusugan, kaya dapat pangalagaan!

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/
channel/dziqHelpline: 0998.991.
BOCW E-mail: [email protected]/susankban
[email protected]
com

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending