Survey: Bata, bagito lamang

By Den Macaranas December 05,2018
share this

Survey: Bata, bagito lamang

By Den Macaranas December 05,2018
share this

ILANG buwan bago ang 2019 elections ay lumutang sa isang survey na nakalalamang pa rin ang karamihan sa mga incumbent mayors sa Metro Manila kumpara sa kanilang mga kalaban.

Pero kung sisiliping mabuti ang mga numero ay may ilang galing sa political families ang tagilid ang sitwasyon base sa survey ng Publicus Asia Inc.

Ang survey ay base rin sa katanungang: If elections were to be held today, who among the candidates will you vote for?

Yung mga napulsuhang makakamit ang runaway victory ay sina Robert Eusebio na nangibabaw sa Pasig elections sa kanyang 76 percent na lamang kumpara sa 8 percent ng kalaban nitong si Vico Sotto.

Sa Navotas naman, si Toby Tiangco ang nanguna na may 54 percent kumpara sa 18 percent ni Dan Ang.

Si incumbent Marikina Mayor Marcelino Teodoro naman ay walang makakalaban habang ang vice mayoralty bet na si Marion Andres ay nakakuha ng 67 percent.

Sa Taguig City, si dating congressman Lino Cayetano, na brother-in-law naman ng kasalukuyang mayor na si Lani Cayetano, at ang running mate nitong si Ricardo “Ading” Cruz Jr. ang nanguna.

Si Vice Mayor Joy Belmonte naman ang nanguna sa karera sa pagka-mayor sa Quezon City na nakakuha ng 59 percent habang ang kalaban niya na Bingbong Crisologo ay may 17 percent.

Sa vice mayoralty ng QC, nanguna si Gian Sotto, 42 percent; habang si Jopet Sison naman ay nakakuha ay 15 percent at 13 percent naman kay Roderick Paulate.

Sa Caloocan, si Oscar Malapitan ay umariba na may 90 percent.

Si Rex Gatchalian naman ay may 96 percent sa Valenzuela.

Hindi naman umubra ang seniority sa halalan sa pagka-mayor sa Manila kung saan si Isko Moreno ang lumabas na panalo, na may 47 percent habang 21 percent naman kay Mayor Joseph Estrada, at 29 percent si Alfredo Lim.

Sa San Juan, lumabas na dikit at hindi nagkakalayo ang resulta sa laban ng pagkaalkalde sa pagitan nina Janella Estrada, 44 percent at 43 percent naman kay Francis Zamora.

Sa Makati, si Abigail Binay ang nanguna sa kanyang 67 percent habang 20 percent sa kapatid na si Jun-jun at 2 percent kay Ricky Yabut.

Ang independent survey ay isinagawa mula November 16 hanggang November 20, 2018, at pinangasiwaan ito ng Publicus Asia gamit ang 1,800 na rehistradong botante sa mga lugar sa Metro Manila.

Ang mga rehistradong botanteng ito ay may edad na 18-35 years old.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending