Good-jao namamasko

By Leifbilly Begas December 05,2018
share this

Good-jao namamasko

By Leifbilly Begas December 05,2018
share this

AKSIDENTENG nadiskubre ng isang reporter ang modus sa paggamit ng senior citizens card. Yung 20 porsyentong discount na nakukuha ng mga senior citizen kapag bumibili ng pagkain.

Nakapila siya sa isang kainin sa loob ng mall tapos merong lumapit na matandang babae sa kanya.

Akala ng reporter ay hihingi ng limos pero kinausap siya nito. Ang sabi ng matanda baka pwedeng gamitin nito ang kanyang senior citizens card sa kanyang pagbili at ang madi-discount na 20 porsyento ay ibigay na lamang sa kanya.

Kung tutuusin ay okay din, di ba? Sa halip na maglabas ng pera para sa limos ay wala ng ilalabas ang hinihingian. Walang mawawala sa kanya kasi yun din naman talaga ang babayaran niya.

Pero maituturing din itong panggugulang sa mga kainan.

Ngayong papalapit na ang Pasko asahan na dumarami ang mga mamamalimos.

Marami sa kanila ay sumasabit pa sa jeepney at mamimigay ng sobra—humihingi ng pamasko o tulong.

Hindi naman maikakaila na mayroong mga pasahero na naiinis o natatakot na baka mayroong gawing hindi maganda sa kanila.

Lalo na at meron talagang mga salbaheng namamalimos.

Madalas ay mayroon din silang mga dalang improvised na tambol na kanilang pinapatunog habang ang kanilang kasama ang pumapasok sa loob ng jeep para humingi ng limos.

Pero sa isang pagsakay ko jeepney ay hindi ko maiwasan na mapangiti.

Isang badjao ang sumakay (maraming badjao na lumipat sa Rodriguez, Rizal).

At ang bungad niya sa pasahero siya ay hindi “BAD-jao” siya daw ay “GOOD-jao”. Mabuti daw siyang tao na humihingi ng tulong kaya huwag siyang katakutan.

At hindi lang ako ang napangiti at napabunot ng barya para iabot sa kanya.

Sana bigyan ng maayos-ayos na power ng mga traffic enforcer ng San Mateo, Rizal.

Nakakainis kasing nakikita na binabastos sila ng maraming motorista lalo na ng mga naka-motorsiklo.

Kahit na pinahinto na nila ang ilang pasaway na motorista sa intersection sa may Pamantasan ng San Mateo, tuloy-tuloy pa rin sa pagtawid ng mga ito. Kaya minsan nagkakabuhol-buhol ang daloy ng trapiko.

Hindi sila iginagalang at dinadaan-daanan lang ng mga naka-motorsiklo na walang suot na helmet kasi alam ng mga ito na hindi sila huhulihin dahil walang paniket ang traffic enforcer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending