Robin kay Kylie: Saludo ako sa pagsuko mo kay Aljur

December 05,2018
share this

Robin kay Kylie: Saludo ako sa pagsuko mo kay Aljur

December 05,2018
share this

KYLIE PADILLA, ROBIN PADILLA AT ALJUR ABRENICA

EXCITED na si Robin Padilla sa nalalapit na kasal ng kanyang anak na si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica.

Una nang ibinandera ni Kylie sa kanyang Instagram account ang prenup photo at video shoot nila ni Aljur kung saan kasama rin nila sa photo ang mga taong nasa likod ng kanilang prenup pictorial.

Kahapon, isang behind-the-scenes video naman ang ipinost ni Robin sa Instagram kasabay ng mensahe niya sa future husband and wife.

Caption ni Binoe sa kanyang IG post, “Alhamdulillah Praise God! Napakaganda ng aking umaga dahil sa post na ito. @kylienicolepadilla. Nasa iyo anak ko ang malalim kong paggalang at paghanga. Saludo ako sa pag-ibig at pagsuko mo sa magiging asawa mo.”

Hirit pa niya, “Masyado na akong nasasabik sa araw na aking pinakahihintay. Maraming salamat sa iyo o aming nag-iisang Diyos na lumikha. Amen!”

Wala pang ibinibigay na detalye sina Kylie at Aljur tungkol sa kanilang wedding pero ayon sa Kapuso actress, ito’y magagandap na very soon.

Marami naman ang pumuri kay Binoe dahil sa pagtanggap niya kay Aljur bilang son in law. Sigurado raw na mas magiging maganda ang future ng kanyang anak bilang nanay at asawa dahil sa kanyang ibinigay na blessing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending