Keanna Reeves humingi ng ayuda kay Atty. Persida Acosta para sa kasong cyber libel


LUMAPIT si Keanna Reeves kay Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta para sa isinampang reklamo sa kanya kaugnay ng paglabag sa Anti-Cyber Bullying Law.

“Magkikita kami (ni Keanna) mamayang 4 o’clock sa office. ‘Yung sa case niya, magku-consult daw,” balita ni Atty. Persida pagkatapos ng ginanap na Christmas meet and greet niya with the entertainment press sa Max’s Maria Orosa sa Maynila last Monday.

Sa okasyong ‘yon, nagbigay siya ng video presentation ng tinutulungang pamilya ng mga naging biktima ng dengvaxia.

Bayani ang turing kay PAO Chief sa pakikipaglaban niyang mabigyan ng hustista ang kamag-anak ng mga namatay.

“Pag ako ang humawak ng kaso, pag sa biktima, may kaso. Pag sa accused, eh inosente. Kung may kasalanan, bahala ang PAO lawyers ko sa kanya,” pahayag ni Atty. Persida.

Samantala, libel ang isinampang reklamo kay Keanna ng kaaway na negosyante, “Pero anumang totoo ang sabihin mo, walang falsity, walang malice eh hindi libel ‘yon. ‘Yan ang tinuturo ko sa media,” katwiran niya.

Teka, kailan naman siya babalik sa telebisyon para muling ibahagi ang kanyang serbisyo sa mga nangangailangan.

“Magkakaroon ako ngayong January. May offer ang PTV 4 pero hindi pa kami nagkakasundo sa mga term. Kahit ten-minute segment sa news. Tapos, ang DWIZ, nag-offer sa akin ng free airtime,” balita ni Atty. Acosta.

Pero kahit marami ang nanliligaw sa kanyang maging senador, mas gusto niyang manatili muna bilang PAO Chief dahil marami siyang natutulungan sa kasong naipapanalo nila.

q q q

Available na pala ang home designer pieces (carpets and rugs) ni Solenn Heussaff para sa Studio Soliven. Aniya, “each piece has a unique design to match every home.”

Ipinost ni Solenn ang isa sa mga design ng carpet sa kanyang Instagram na may caption na, “Finally available! Worked on designer one of a kind carpets/ rugs for your home.

“Every design will only be made 1 time so you know your rug is unique. From Dhurrie rugs to wool/ bamboo, everything will be customized to match your home.”

Read more...