Babala ni Willie sa publiko: Wag magpapaloko sa mga sindikatong gumagamit sa Wowowin

By Cristy Fermin December 05,2018
share this

Babala ni Willie sa publiko: Wag magpapaloko sa mga sindikatong gumagamit sa Wowowin

By Cristy Fermin December 05,2018
share this


HANGGANG ngayon ay nakakatanggap pa rin ang aming mga kaibigan ng mga pekeng mensahe ng pananalo mula sa isang pa-contest ng Wowowin.

Malaking halaga ang sangkot, nanalo raw ang cellphone number nila, pero bago makuha ang papremyo ay kailangan munang maglagak ng pera ang nanalo sa account number na ipinadadala rin ng luko-lukong kababayan natin.

Kalat na kalat na ang raket na ito, kami ang tinatawagan ng mga kuno-kunong nanalo raw, samantalang wala namang ganu’ng pa-contest ang game show ni Willie Revillame.

Tinatawagan namin ang host ng Wowowin at isa lang ang nasabi niya, “Wala kaming ganu’ng palaro, kung meron mang nananalo, ina-announce ko sa show, kaya huwag silang magpapaloko sa mga nagte-text sa kanila!”

Paboritong gawing sangkalan ng mga manloloko ang programa ni Willie. Kahit nga sa paligid lang ng GMA 7 ay marami nang raketerong nahuhuli, kung anu-anong may kuneksiyon sa programa ang ibinebenta ng mga ito, tulad ng t-shirts, stickers at kung anu-ano pang kalokohan.

“Simple lang naman ‘yan para hindi sila maloko. Manood lang sila ng show dahil du’n namin ina-announce ang mga pa-contest na ginagawa namin.

“Kung walang announcement, walang contest, lokohan lang ‘yung itine-text sa kanila,” pahayag uli ng very generous host na si Willie Revillame.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending