BUKOD sa indie movie ni Aiko, magiging busy din siya ngayon sa promo ng 2018 MMFF entry nilang “Rainbow’s Sunset” na isa ring matatawag na LGBTQ movie dahil sa gay characters nina Eddie Garcia at Tony Mabesa.
Natanong sa presscon ng movie ang cast members kung ano ang magiging reaksyon nila sakaling umamin ang mga anak nila na miyembro rin sila ng LGBTQ community. Narito ang sagot nina Sunshine Dizon, Max Collins at Aiko.
“To be honest I don’t have issues. I really don’t mind. I love my kids as they are whatever kung anuman sila pagtanda nila, I really wouldn’t mind for as long as masaya sila, wala naman silang ginagawang masama at wala naman silang tinatapakang kahit sino, as long as they’re good citizens, I’m okay,” sabi ni Sunshine.
Sabi naman ni Aiko, “If one of these days, one of my kids would approach me and telling I’m gay, I would gladly embrace them lalo na kung magiging kapaki-pakinabang sila sa society natin and then ‘yung hindi sila mang-aagrabyado ng tao, so I see no issue with the gender kasi mga anak ko ‘yan at bigay ng Panginoon sa akin, basta ang masasabi ko lang, huwag makakasakit ng ibang tao.”
Ayon naman kay Max, “I would love my children no matter what kahit they’re bad people I would still love them. What more if they’re gay, it doesn’t matter.
“Of course I hope that they’ll be good people, sana naman all of our children would do the right thing, always. I have no problem with gender at all.”
Ito naman ang katwiran ni tito Eddie, “Ako wala akong apo o anak na bakla pero kung mayroon man tatanggapin ko.”