Diego ‘pinatay’ na sa Los Bastardos

By Reggee Bonoan December 05,2018
share this

Diego ‘pinatay’ na sa Los Bastardos

By Reggee Bonoan December 05,2018
share this

DIEGO LOYZAGA

TULUYAN nang hindi mapapanood sa seryeng Los Bastardos si Diego Loyzaga. Pinatay na ang karakter niya bilang si Joaquin Cardinal, ang panganay na anak ni Don Roman Cardinal, Sr. na ginagampanan ni Ronaldo Valdez.

Ayon sa isang taga-ABS-CBN, sayang dahil maganda ang role ni Diego sa serye dahil isa nga siya sa mga bidang lalaki at wala ring ka-loveteam.

Sabi ng aming source, “Wala na, bumitaw na si Diego sa Los Bastardos. Sa totoo lang hindi siya binitiwan ni RSB (Ruel S. Bayani), binigyan siya ng two weeks or more para makabalik sa show, e, mismong si Teresa (Loyzaga) na ang nagsabing hindi na babalik ang anak. Kaya walang choice kundi patayin na ang karakter niya.”

Ano na ang mangyayari sa kuwento ngayong wala na ang aktor, “Palalabasing nagpunta sa Amerika si Diego tapos nag-crash ang eroplanong sinasakyan niya at hindi na nakita ang bangkay, pero ipakikita ang funeral rites niya,” say sa amin.

Dagdag pa ng aming kausap, “Nanghihinayang ang lahat kay Diego. Ang galing daw umarte at malambing sa mga katrabaho, kaya sana makabawi agad siya at mabigyan uli ng chance.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending