Kim tumodo sa maiinit na eksena sa One Great Love: Grabe!

December 05,2018
share this

Kim tumodo sa maiinit na eksena sa One Great Love: Grabe!

December 05,2018
share this


SIGURADONG ikagugulat ng mga fans ni Kim Chiu ang mga pasabog na eksenang ginawa niya para sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na “One Great Love” under Regal Entertainment.

Talagang triple ang pag-level up ng Kapamilya actress sa mga maiinit na eksena niya sa movie with her two leading man, Dennis Trillo at JC De Vera. Isa sa mga pinag-uusapang eksena trailer ng pelikula ay ang halikan nina Kim at JC habang nakalublob sa bathtub ng isang yate.

Sa presscon ng “One Great Love” kahapon, ikinuwento ni Kim na wala talaga sa script ang nasabing eksena, kaya nagkagulatan sila nang sabihin ni Direk Eric Quizon na lulublob sila sa bathtub.

“Actually, wala naman talaga sa script ‘yung bathtub scene, ang ganda lang ng bathtub doon sa yate. So sabi ni direk, ‘Go, gawin na natin diyan bago dumilim!’ Maganda naman ‘yung kinalabasan and then excited na kaming lahat,” ani Kim.

Bukod dito, ibinandera rin ng Kapamilya TV host-actress na marami pang eksena na ikaka-shock ng madlang pipol, “Marami pa! Kaya umihi na sila, kumain na sila, gawin na nila lahat dahil sunud-sunod ang mga pasabog namin.

“Pero lahat naman ‘yon nangyari dahil may dahilan na kakailangan sa eksena. Marami pa silang mga eksena na magugulat sila,” sey pa ni Kim.

“Tumodo ako rito, kasi for how many years na gumagawa ako ng movies, ito na po yung pinakamatindi, talagang lumabas ako sa comfort zone ko.

“Kasi I really want something new na pwede kong i-offer sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin mula noon hanggang ngayon,” pahayag pa ng Kapamilya star.

Puring-puri naman ni Kim sina Dennis at JC bilang mga leading man, “Bukod sa sobrang bait nila, sobrang mga gentleman, ang gagaling din nilang aktor.

“First time ko silang makatrabaho, so napaka-refreshing ng feeling, bago naman. Kahit po ako nanibago sa mga ginawa ko dito sa One Great Love, ang sarap ng feeling na nakagawa ako ng ganitong klase ng project,” pahayag pa ni Kim.

Samantala, confident si Direk Eric na malakas ang laban nina Dennis, JC at Kim na manalong best actor at best actress sa Gabi Ng Parangal ng 2018 MMFF. Ayon pa kay Eric, ibinigay ng tatlong bida sa pelikula ang lahat-lahat.

Showing na ang “One Great Love” sa Dec. 25 bilang bahagi ng MMFF 2018. Kasama rin dito sina Miles Ocampo, Marlo Mortel, Nino Dolino at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending