Buntis, 4 na kamag-anak huli sa buy-bust

ARESTADO ang limang magkakamag-anak kabilang ang isang buntis sa isinagawang drug operation ng pulisya sa Quezon City, kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Manuel Gonzales, live-in partner nitong si Angelique Montas, bayaw na si Samuel, ina na si Emilia at ang buntis nitong hipag na si Mary Clare Malinao, mga residente ng Brgy. Holy Spirit.

Isang by bust operation ang inilungsad ng pulisya laban kay Gonzales matapos makatanggap ng tip na ito ay nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Tinangka naman umanong pigilan ni Malinao at Emilia ang mga pulis na maaresto ang tatlo kaya maging sila ay hinuli.

Nakuha sa mga suspek ang mga sachet na pinaniniwalaang shabu ang laman at mga drug paraphernalia.

Read more...