‘Manoy’ aksidenteng naboga sa Ilocos Sur

AKSIDENTENG nabaril ng 50-anyos na lalaki ang kanyang ari sa Magsingal, Ilocos Sur, nitong weekend.

Sa ulat mula sa Ilocos Sur Police ngayong Lunes, lumalabas na iihi sana si Rey Menor, mekaniko, sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Barbarit noong Sabado nang aksidenteng pumutok ang kanyang baril na nakasukbit sa kanyang bewang.

Nagtamo si Menor ng sugat sa kanyang ari at dinala sa Magsingal District Hospital.

Idinagdag ng pulisya na kinumpiska ng mga pulis ang Gauge 12 homemade shotgun na nakabaril sa ‘Manoy’ ni Menor.

Read more...