Aiko mala-Sara Duterte sa ‘Rainbow’s Sunset’


MAGIGING  mahigpit daw na magkalaban sina Aiko Melendez, Sunshine Dizon at Max Collins sa pagka-best supporting actress sa MMFF 2018 Gabi ng Parangal.

Magkasama sa MMFF entry na “Rainbow’s Sunset” ang dalawang aktres na gumaganap na anak nina Eddie Garcia at Gloria Romero sa pelikula. Pero ayon sa mga nakapanood na nito, mukhang mas malaki ang laban ni Aiko dahil sa mala-Sara Duterte niyang karakter sa kuwento.

Pero sabi ni Aiko, bonus na lang daw kapag nabigyan sila ng award sa MMFF 2018, ang mas ipinagdarasal daw nila ay marami ang makapanood sa “Rainbow’s Sunset” dahil napakaganda raw ng pagkakagawa rito ni Direk Joel Lamangan.

“Ay, praise God! Kung ano yung para sa amin, yun lang. Thank you. Extra na lang, bonus na yung award. Kung sino man ang manalo sa amin, siyempre masaya kami. Kung sakaling manalo ako, ide-dedicate ko iyon kay Sunshine, sa lahat ng kasama ko sa movie.

“Kasi, hindi rin naman kami magiging ganoon ka-effective kung hindi rin kami nagbigayan. So, I will offer the award to her and hindi kawalan sa akin kung matalo ako ni Sunshine, kasi magaling din naman talaga siya sa pelikulang ito,” sey pa ni Aiko na gumaganap na mayor sa movie.

Pero ayon sa aktres, baka raw hindi siya makasama sa Parade of Stars sa Dec. 23 sa Parañaque City, nakatakda raw kasi silang pumunta ng kanyang boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun sa Japan na birthday gift sa kanya ng alkalde.

But she promised na babalik din siya agad para maka-attend sa MMFF 2018 Gabi ng Parangal sa Dec. 27 na gaganapin sa The Theater At Solaire.

Showing na sa Dec. 25 ang “Rainbow’s Sunset” mula sa Heaven’s Best Entertainment. Makakasama rin dito sina Tirso Cruz III, Tony Mabesa, Jim Pebangco, Tanya Gomez, Sue Prado, Marcus Madrigal, Hero Bautista, Celine Juan, Ace Marfel, Zeke Sarmenta, Vince Dillon, with Albie Casino.

Read more...