Van naaksidente; 1 patay, 18 sugatan

ISANG babae ang nasawi at 18 pa katao ang nasugatan nang bumaligtad ang sinakyan nilang van sa bahagi ng Southern Tagalog Arterial Road (Star) Tollway na sakop ng Lipa City, Batangas, Lunes ng umaga.

Dead on the spot ang isa sa mga sakay ng van na si Maxine Guinevere Vivas, habang ang 18 pa’y dinala sa pinakamalapit na pagamutan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente sa bahagi ng highway na sakop ng Brgy. Bugtong, dakong alas-6:30.

Minamaneho noon ni Danny Manalo ang van patungo sa direksyon ng Batangas City.

Na-flat umano ang isa sa mga gulong ng van kaya nawalan ng kontrol sa van ang driver, hanggang sa bumaligtad ang sasakyan sa gitnang bahagi ng highway.

Read more...