Du30 inaming gumagamit ng marijuana para manatiling gising

INAMIN ni Pangulong Duterte na gumagamit siya ng marijuana para manatili siyang gising sa harap umano ng kanyang hectic na schedule.

“It’s a killing activity, and I think the my age, ako hindi masyado, kasi nagmamarijuana ako eh, para magising. Sa iba, hindi na kaya,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Conferment of Awards on ASEAN National Organizing Council Officials and Personnel sa Malacañang.

Inihalimbawa ni Duterte ang naging iskedyul sa nakaraang Association of Southeat Asian Nation (ASEAN) na ginanap sa Singapore kamakailan.

“You know we start at 8:30 in the morning, and we end up almost 10, 11, nandiyan silang lahat. And it’s every 30 minutes, 8:30, 9:30, 10:30 iba na naman. Baka akala nitong ASEAN secretariat Boy Scout kami? Di kaya yan, di kaya,” dagdag ni Duterte,” giit ni Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na dapat ay tawagan ng pansin ang Secretariat ng ASEAN hinggil dito.

“Maybe call the attention of the guys in the ASEAN Secretariat. May kopya ba kayo ng ano, when is the next meeting outside. I’m not trying to pull a leg somewhere. But may I just.. personal observation. Maybe call the attention of the guys in the ASEAN secretariat,” ayon pa kay Duterte.

Read more...