NAGING sanhi pa ng pagkamatay ang scarf na ginamit para protektahan ang 19-buwang sanggol na lalaki mula sa sikat ng araw matapos naman ang nangyaring freak accident sa Laoang, Northern Samar, noong Linggo.
Pauwi na si Lorna Stephanie Nueva, 25, residente ng bayan ng Palapag, sakay ng isang Honda XRM motorcycle mula sa bayan ng Catarman.
Nasa harap ni Rosita ang kanyang 19-buwang anak na lalaki, habang nagmamaneho siya ng motorsiklo.
Nanggaling sila sa isang klinik sa Catarman dahil may sakit ang bata.
Tinakpan ni Nueva ang kanyang anak ng scarf para protektahan sa init ng araw.
Nang dumating sila sa Barangay Rawis in Laoang, 45 kilometro mula Catarman, aksidenteng pumulupot ang isang bahagi ng scarf sa hulihang gulong ng motorsiklo.
Pumulupot din ang kabilang dulo ng scarf sa leef ng sanggol na nagresulta para matanggal ang kanyang ulo.
Sinabi ng mga nakasaksi na naging mabilis ang pangyayari kayat hindi nakakilos ang nanay at lola para iligtas ang bata.
Dinala ang sanggol sa Rural Health Unit sa bayan ng Laoang para sa pagsusuri,.
Sinabi ni PO2 Elizar Diu, Laoang police investigator, na kapwa nakatulala pa ang nanay ng sanggol at ang lola kayat hindi pa kumpletong maipaliwanag ang nangyari.
Idinagdag ni Diu na posibleng maharap ang dalawa sa paglabag sa Republic Act 10666, an act providing for the safety of children aboard the motorcycle.
Sinabi pa Diu na nahaharap din ang dalawa sa reckless imprudence resulting in homicide.
Ito na ang ikalawang trahedya na nangyari sa pamilya Nueva sa loob ng dalawang taon.
Noong 2016, nalunod ang kanyang panganay, na 8-anyos noon sa isang ilog sa kanilang barangay sa Sumoroy, Palapag.