Multa, kulong sa magbebenta ng cosmetic na may mercury sa QC

IPINASA ng Quezon City government ang pagtitinda sa siyudad ng mga pampaganda na mayroong mercury.

Ayon sa EcoWaste Coalition inaprubahan ng City Council ang Ordinance 2767 na nagbabawal sa anumang tindahan, kabilang ang mag tiangge, na magbenta ng mga produkto na ang mercury content ay lagpas sa one part per million, ang limit na itinakda ng Food and Drug Administration.

Ang panukala ay akda ni Councilor Elizabeth Delarmente at inaprubahan ng konseho noong Oktobre 8. Pinirmahan na ito ni Mayor Herbert Bautista.

Ang ordinansa ay bahagi tin ng pagsunod ng bansa sa Minamata Convention on Mercury kung saan napagkasunduan ang pag-phase out ng mercury sa mga cosmetic product sa 2020.

“We laud the Quezon City Government for cracking down on the illegal trade of mercury-containing creams, lotions and soaps that are marketed to lighten the skin color and fix skin woes,” ani Thony Dizon ng EcoWaste.

Ang mercury ay maaaring magdulot ng skin rashes, pagiiba ng kulay ng balat at pagkawala ng panlaban nito sa mga bacteria at mycotic skin disorders. May masama rin itong epekto sa utak, nervous system at bato.

Sa ilalim ng ordinansa, ipinagbabawal ang paggawa, pag-angkat, pagbebenta at maling pagtapon ng mga cosmetic product na may mercury.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P2,000 sa unang paglabag, P3,000 at suspensyon ng business permit sa ikalawa at sa ikatlong paglabag ay P5,000 multa, 30 araw na kulong at kanselasyon ng business permit.

Read more...