OFW na-sandwich ng 2 bus, dedbol

NASAWI ang lalaki matapos maipit ng dalawang pampasaherong bus sa Makati City, Sabado.

Kinilala ang biktima na si Luis Oracion, isang overseas Filipino worker at residente ng Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Southern Police District, hinahabol ni Oracion ang isang bus sa northbound lane ng Edsa sa Guadalupe hanggang sa naipit siya ng Nicolas Albert Transport Bus at Pitbull Bus Transport.

Naitakbo pa ang biktima sa Ospital ng Makati ngunit idineklara ring dead-on-arrival. Nasa kustodiya na ng otoridad ang mga driver.

Read more...