Pia nagbenta ng mga gamit para sa mga batang may cancer

PIA WURTZBACH

KALIWA’T kanan na ang mga charity projects ng mga kilalang celebrities ngayon bilang bahagi ng kanilang Christmas celebration.

Una na nga riyan ang pa-ukay-ukay with a cause ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kung saan binebenta ang mga damit na ginamit niya sa iba’t ibang events. Ang proceeds nito ay ilalaan para sa mga batang may cancer.

“Binebenta ko po rito ‘yung mga damit na nagamit ko po nu’ng Binibini and nu’ng Miss Universe and all proceeds ay mapupunta po for the Kythe Foundation,” chika ni Pia na napakarami nang nagawang charity works hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang panig ng mundo.

Read more...