Neri Naig kay Julia Barretto: Pumangit ka na ba kahit minsan?


ISA si Neri Naig sa loyal followers ng Ngayon At Kailanman.

On her social media account, she unabashedly expressed her admiration for its lead star Julia Barretto.

“Dear Julia, Pumangit ka na ba sa buhay mo ni minsan? Napa-kagandaaaaaa ng mukha mo, sobra! At mukhang napa-kabait na bata. At natitigil ang mundo sa bahay kapag Ngayon at Kailanman na. bawal ko na kausapina ng mga tao sa bahay. Kung mag usap sila sa bahay akala mo mga kapitbahay na tsismosa na alam ang mga buhay nyo, haha!”

But one basher got it all wrong. Nagpapapansin lang at sumisipsip lang daw si Neri kay Julia.

“Pansin ko lang parang sipsip mo sa mga artista, dati Julia Montes, Marian Rivera. Nagpopost ka pa talaga ng comments sa kanila. Although mga good naman sinasabi mo sa kanila, kaya lang para ka-sing sumisipsip ka sa kanila? Dahil ba mga big star sila?” wailed one basher.

Neri immediately addressed the issue and said, “Anong mapapala ko kung sisipsip ako sa kanila? Yayaman ba ako dun? Hahaha! Sa mundong ginagalawan ko, marunong lang kaming mag-appreciate ng beauty and kindness. Sana ikaw rin po.”

Oo nga naman. What’s wrong with appreciating one’s beauty? Totoo namang ubod ng ganda si Julia sa Ngayon At Kailanman. Wala siyang pa-ngit na anggulo at hindi hirap ang cameraman na bigyan siya ng magandang shot dahil she’s ethereally beautiful.

Read more...