Female celeb walang binatbat sa ugali ng kapatid na aktres; nuknukan ng maldita

TAMA ang kuwento ng aming source na paminsan-minsan ay masarap tumambay sa paboritong lugar ng mga miron ng showbiz na napakaraming alam na kuwento ng kakuwanan ng mga personalidad.

Tiyempo naman na nang dumating ito sa umpukan ay pinagkukumpara ng mga miron ang magkadugong aktres na napakalaki kuno ng pagkakaiba ng ugali.

Unang chika ng aming source, “Naku, oo nga naman, malaking-malaki ang kaibahan ng ugali ng magsyupatid na ‘yun! Naturingan silang magsyupatembang pero parang magkaibang sinapupunan ang pinanggalingan nila, sa totoo lang!

“Si Actress A na mas matanda, e, super-PR, saka walang kayabang-yabang kahit pa sikat na siya. Ito namang si Actress B na mas bata, e, may kakaibang ugali!

“Kung palaging nakangiti ang ate niya, palagi namang nakasimangot ang girl na ito. Para bang pasan niya ang daigdig ang datingan ng babaeng ‘yun!” unang kuwento ng aming impormante.

May kuwento pa ang isang miron sa umpukan na lalong nagpatotoo na talagang magkaiba ang ugali ng mag-sister. Nakasama nito sa trabaho ang younger actress.

“Kung napaka-jolly ng ate niya, ito namang mas nakababata, e, may sariling mundo! Parang lagi siyang problemado, parang hindi siya marunong tumawa, kaya maraming naiilang sa kanya.

“Nu’ng minsan, in-approach siya ng staff ng production na pinagtatrabahuhan niya. Kailangan niyang mag-voice over sa ilang parts, kailangang-kailangan ‘yun sa show. Aba, ang hitad na girl, diretsong umayaw!

“Ang sabi niya sa staff, ‘No, I will not do that, I’m not ____ (pangalan ng isang actress-TV host-singer)!’ Naloka sa kanya ang staff ng show, ganu’n nga siya kataray!

“Para pala sa kanya, e, katsipan ang ginagawa ng actress-TV host-singer ng isang network! Talagang hindi siya nag-VO, umalis na siya kasama ang alalay niya na nawindang din!

“Hay, naku! Ang sister niya, ang sarap-sarap katrabaho, mabait siya at ma-PR, kaya tingnan n’yo naman, maraming naaaliw at nagmamahal sa kanya!

“E, ang young actress, palagi lang siyang nasa sariling mundo niya, walang pakialam sa ibang tao, hindi siya pang-showtime!” pagtatapos ng aming source.

Bigay na bigay na kung sinu-sino sila, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kaya wala na kayong upuan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Tama, idol Lourd de Veyra?

Read more...