Palasyo nananalig pa ring maipapasa ang 2019 budget

SINABi ng Palasyo na kumpiyansa pa rin itong maipapasa ang panukalang 2019 budget bago magbakasypn ang Kongreso  para sa Kapaskuhan.

Sa isang pahayag, idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na naniniwala ang Malacanang sa naging  pagtiyak ng kanilang mga kaalyado sa Senado at Kamara na hindi aabot sa isang re-enacted budget sakaling mabigo ang mga mambabatas na maipasa ang panukalang 2019 National Appropiations Act.

“The Palace remains confident that the 2019 national budget will be passed before Congress goes on Christmas recess. Members of the Upper Chamber of Congress who support this Administration’s efforts in bringing overall progress to our nation have already publicly stated that they will be gworking 12 hours a day starting next week to tackle the budget,” ayon pa kay Panelo.

Idinagdag ni Panelo na ang mga Pinoy ang makikinabang sa sakaling maipasa ang 2019 budget. 

“It is the Filipino people who will ultimately benefit from the passage of the budget; hence, we are positive that the rest will follow suit,” ayon pa kay Panelo. 

Samantala, dumistansiya naman ang Malacanang sa ulat na pinayagan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang P60 milyong insertion kada kongresista.

“This is something that Congress has to discuss, review and deliberate upon. The Palace acknowledges the independence of Congress on these matters and we manifest our respect as regards its competence in enacting the budget,” giit ni Panelo. 

Read more...