IBINUKING ni Richard Gomez na nanligaw sa anak niyang si Juliana ang former PBB housemate na si Marco Gallo.
“I think so. Nakikita ko si Marco sa bahay, e,” sagot ni Goma kay Boy Abunda sa TWBA nang tanungin kung totoong pinormahan ng binata ang kanyang dalaga. Kasabay nito, sinabi rin ng aktor na nalungkot si Juliana nang malamang babalik na si Marco sa Italy.
Nang hingan ng mensahe para sa anak, “‘Wag ka maghahanap ng boyfriend na katulad ng daddy mo pero kung maghahanap ka ng asawa, hanapin mo yung asawang katulad ng daddy mo.”
Ito naman ang mensahe niya sa magiging boyfriend ni Juliana, “Wag niyang sasaktan ang anak ko, kasi ako di ako nananakit ng babae.”
MOST READ
LATEST STORIES