MATAPOS humugot sa ilang kaibigang hindi man lang dumalaw o nagpadala ng flowers habang nasa ospital, change mood na si Ai Ai delas Alas sa recent post sa Instagram para batiin ang asawa niyang Gerald Sibayan sa birthday nito.
Suwerte ni Ai Ai sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Gerald. Shock absorber man niyang maituturing ang kanyang Darling, hindi pa rin nagbabago ang pagiging mapagmahal nito sa kanya.
“Happy birthday my one and my only darling. Salamat din sa mga pangarap mo para saten,” bahagi ng mensahe ni Ai Ai kay Gerald.
Nag-aaral maging piloto ngayon si Gerald at biro nga ni Ai, ang asawa na ang magiging piloto niya kung sakaling bibili siya ng sariling eroplano, huh!
MOST READ
LATEST STORIES