Female celeb reyna ng kanegahan, nganga ang career


PINAGPISTAHAN sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang umariba na namang kanegahan ng isang female personality na ewan kung ano ang gustong palabasin.

Parang klima ang takbo ng utak ng babaeng ‘yun, minsang okey lang siya, pero mas madalas siyang punumpuno ng ampalaya sa puso kaya siya bitter.

Kuwento ng isang source, “Wala, talagang kahit katiting, e, walang namana sa parents niya ang babaeng ‘yun. Napakanega!

“Kunsabagay, kahit naman nu’ng maliit pa siya, e, ganyan na si ____ (pangalan ng hitad na female personality). Kapag may mga bisita sila sa bahay, e, nakasimangot siya na parang may naaamoy na kung anong mabaho!

“Kailangan pa siyang paalalahanan ng mommy niya na magbigay-pugay sa mga bisita nila dahil padaan-daan lang siya nang walang pakialam sa mundo!

“Bebeso nga siya, pero padabog naman at nakasimangot, wala talaga siyang ka-PR-PR! Wala siyang namana sa mga magulang niya!” simulang kuwento ng chikadora naming impormante.

Hanggang sa kanyang paglaki ay bitbit pa rin ng female personality ang kanegahan. Wala siyang pakialam sa pamimintas sa kung sinu-sino.

“Naku, siguradong hindi siya kinakaya ng parents niya kasi, tingnan n’yo naman ang ugali niya, wagas na wagas sa kanegahan. Napakalayo niya sa mommy niya na malayo pa lang, e, napaka-positive na, wala sa bokabularyo ng mommy niya ang kanegahan!

“Masyado kasing feeling ang babaeng ‘yun! Feeling perfect siya, kaya ganu’n na lang kung mamintas siya ng kapwa niya! Teka, ano naman ba kasi ang maipagmamalaki niya, winner ba siya?

“Ginawa na niya ang lahat-lahat, nagpapayat siya, nanggaya pa nga siya ng face ng isang magandang young actress, di ba? Anyare?

“Pinalad ba siyang manalo? Napakatindi niyang magmaasim, e, wala naman siyang maipagmamalaki! Ano ang nangyari sa kanya, di ba, member siya ng Lotlot and friends?

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, tampal-tampalin n’yo nga ang babaeng ito para magising siya sa katotohanan na super-nega siya!” pagtatapos ng aming source.

Read more...