Pulis-CIDG patay sa pamamaril

NASAWI ang isang pulis na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Pasig City, Huwebes ng gabi.

Dead on arival sa ospital si PO2 Manuel Melendrez III, 48, dahil asa mga tama ng bala sa katawan, ayon sa ulat ng Eastern Police District.

Naganap ang pamamarl dakong alas-11:45, sa compound na tinitirhan ni Melendrez sa Brgy. Caniogan.

Kauuwi lang noon ng pulis at kanyang asawa mula sa palengke, lulan ng isang van.

Bumaba si Melendrez para buksan ang pinto at ilang saglit lang ay nakarinig na ng mga putok ng baril ang kanyang misis, na nasa loob pa ng van, ayon sa ulat.

Pagbaba ng ginang ay nakita na lang na duguan ang mister. Itinakbo ng mga rumespondeng pulis si Melendrez sa pagamutan, ngunit di na siya umabot nang buhay.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng salarin. 

Read more...