Mula sa 5.3 porsyento (1.2 milyong pamilya), umakyat ito sa 6.1 porsyento (1.4 milyong pamilya) sa survey noong Setyembre.
Sa survey noong Marso naitala ang nabiktima ng krimen sa 6.6 porsyento.
Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte ang pinakamataas na nabiktima ng krimen ayon sa SWS survey ay 7.6 porsyento na naitala noong Disyembre 2017.
Sa pamilya na mayroong miyembro na nabiktima ng krimen, 4.6 porsyento ang nadukutan (tumaas mula sa 4.0), nakawan ang 2 porsyento (mula sa 1.8), ang nanakawan ng sasakyan ay 0.6 porsyento (mula sa 0.5), at 0.7 porsyento ang sinaktan (mula sa 0.2).
Sa mga respondents, 52 porsyento ang natatakot na manakawan (mula sa 55), nagsabi ang 46 porsyento na hindi ligtas ang mga lansangan kapag gabi kaya natatakot silang lumabas (nanatili sa 46) at 41 porsyento ang nagsabi na marami pa ring adik sa kanilang lugar (nanatili sa 41).
Ginawa ang survey mula Setyembre 15-23 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus tatlong porsyento.