“SOME things are best kept private, you know.” ‘Yan ang tugon ng Kapamilya singer na si Juan Karlos Labajo o JK sa balitang girlfriend na niya ang Asia’s Next Top Model winner na si Maureen Wroblewitz.
Ilang beses nang nilinaw ng binata ang tungkol sa kanila ni Maureen pero ayaw pa ring mamatay-matay ang chika na matagal na silang may relasyon.
Nagsimulang ma-link ang dalawa nang umapir si Maureen sa official music video ng hit song ni JK na “Buwan.” Bukod pa rito, napansin din ng mga fans ng singer na tanging si Maureen lang ang pina-follow ni JK sa Twitter.
Sa nakaraang ABS-CBN Christmas Trade Event, natanong uli si JK tungkol sa estado ng relasyon nila ni Maureen na napapanood na rin ngayong bilang co-host sa noontime show ng GMA na Eat Bulaga.
”
Wala naman, me and everyone else has something special in between. I have something special with a lot of people,” aniya.
Ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing mukhang espesyal na ang turingan nila ni Maureen, “It all depends, man, it depends on how people see it. Some things are best kept private, you know.”
Matagal nang nababalita na may espesyal na pagtitinginan sina JK at Maureen at halos lahat naman ng kanilang fans ay boto sa kanilang relasyon at nagsabing bagay na bagay sila.