Sharon pabebe sa harap ni Goma: Nakakahiya naman kay Sen. Kiko!

SHARON CUNETA AT RICHARD GOMEZ

Speaking of Sharon Cuneta, nagmukha naman siyang katawa-tawa sa mga millennial fans and netizens nang maglitanya tungkol sa love story nila ni Ormoc City Mayor Richard Gomez during the mediacon of their movie “Three Words To Forever.”

“N.R.” as in no reaction ang karamihan sa sinabi niyang umabot sa six years ang itinagal ng kanilang relasyon na kahit hindi na raw matandaan ni Goma ay sinakyan na lang ang pagbabalik-tanaw ng dating GF.

But Sharon Cuneta is Sharon Cuneta. She has her unique ways of making us part of her journey and her stories na tadtad ng hagikhik at drama. Yun nga lang, kapag binato mo siya ng isang tanong, 10 sagot ang asahan mong ibabalik niya sa iyo. Ha-hahahaha!

Meron ding mga nag-react ng pagkadismaya lalo na ‘yung mga supporter daw ng asawa niyang si Sen. Francis Pangilinan. Sey nga ng isang netizen, “Hindi na siya teenager para magpabebe na akala mo’y kilig na kilig pa rin sa dating dyowa. May asawa na siya at senador pa who deserves higher respect kahit sabihin pang Megastar ka ng showbiz.

“Alam niya dapat kung saan siya lulugar. Hindi na niya kailangan pang gumimik na parang in love pa rin sa leading man niya. Kaya hindi na nag-mature ang ilang Pinoy moviegoers dahil sa mga ganyang klaseng kacheapan,” komento pa ng isang nakausap namin.

Basta ang mas mahalaga, siniguro ng Star Cinema na hindi masasayang ang ibabayad n’yo sa sinehan kapag pinanood n’yo ang “Three Words To Forever” na idinirek ni tugang Cathy Garcia-Molina.

Sabi nga ni Goma, “Sa mga ganitong promo, napaka-generic na ng statement na maganda ang movie, but this time, I guarantee you, na totoong-totoo ang sinasabi namin.”

Kasama rin sa bagong movie ng Star Cinema sina Kathryn Bernardo, Tommy Esguerra at Joross Gamboa.

Read more...