KINONDENA ng Makabayan bloc ang pag-aresto kina ACT Rep. France Castro at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo nang walang malinaw na basehan sa Davao del Sur.
Ayon kay ACT Rep. Antonio Tinio ipinakikita nito ang pangit na pamamaraan sa ilalim ng Martial Law na ipinatutupad ng Malacanang sa Mindanao.
“This shows how, under the martial law regime in Mindanao, the basic rights of the most marginalized are denied them while the intervention of human rights defenders are criminalized,” ani Tinio.
Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na malinaw itong panghaharass sa mga tao na nais tumulong sa mga Lumad.
“Kinukundena natin ito dahil ito ay tahasang paglabag sa karapatang pantao hindi lang ng mga guro at estudyante kundi kahit na yung mga tao na gustong magbigay lang ng tulong doon sa mga Lumad na mga estudyante at teachers na subjected to vilification and harassment by these paramilitary groups at military,” ani Zarate.
Sinabi naman ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao na ginagamit ang Martial Law upang sikilin ang karapatan ng publiko.
“Ginagawa itong justification para ganito ang level ng height ng impunity diyan. Hindi kikilalanin ang batas, hindi kikilalanin ang karapatan, ang democratic rights. Ang nasusunod diyan ay ang militar, ang mga paramilitar in the name of counterinsurgency,” ani Casilao.
Bukod sa dalawa ay mahigit sa 70 iba pa ang hinuli ng mga sundalo.