SINABI ng Palasyo na tagumpay sa justice system ng bansa ang naging desisyon ng Caloocan Regional Trial Court Branch 125 matapos namang mapatunatang guilty ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay kay the Kian de los Santos.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nagpapatunay lamang na umiiral ang hustisya sa bansa.
“It is a testament that we have a robust and working justice system, contrary to what this Administration’s detractors are depicting,” sabi ni Panelo.
Matatandaang nakipagkita si Pangulong Duterte sa pamilya ni Kian para tiyakin na mabibigyan ng katarungan ang kanyang pangkamatay.
“From Day 1, the Duterte Administration has always anchored all executive actions on accountability. The President has never encouraged impunity. He has been equally harsh to wrong-doers in the government as he is to criminals. Never has the President said that erring government workers, much less the police, should evade responsibility for wrongful acts,” dagdag pa ni Panelo.
Ipinagmalaki pa ni Panelo na umabot lamang ng anima na buwan ang pagdinig sa kaso.
“We take note that it took only six months to finish the trial given the heinous crime involved in the case of Kian. The Palace thus lauds the trial court for this swift administration of justice,” ayon pa kay Panelo.