Makalipas ang 1 taon: Maine walang pagsisisi sa pasabog na open letter para sa AlDub fans


ISANG  taon na pala ang nakararaan nang maglabas ng open letter si Maine Mendoza (Nov. 26, 2017) para sa kanyang fans na talaga namang gumulantang sa mundo ng showbiz.

No wonder, may tweet si Meng recently na, “So much happier now than I’ve never been and so grateful for that.”

Isiniwalat sa nasabing open letter ang katotohanang magkaibigan lang sila ng ka-loveteam na si Alden Richards. Hanggang ngayon ay wala pang paliwanag si Meng kung bakit niya ginawa ang open letter.

Kahit may kalabuan pa kung kailan sila magsasama uli ni Alden sa isang project, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang fandom nilang AlDub Nation na isang araw ay muli nilang mapapanood together ang mga idolo sa isang project.

Read more...