Hugot ni Zsa Zsa: Move on and be strong, harbor no bitterness

ZSA ZSA PADILLA

MAY  kinalaman nga kaya ang bagong hugot ni Zsa Zsa Padilla sa pagre-reformat ng ASAP?

Usap-usapan sa social media ang mensaheng ipinost ng Divine Diva sa kanyang Instagram na may koneksyon sa pinagdaanan niyang problema nitong mga nakaraang araw. Aniya, nakapag-move on na siya rito pero hindi pa siya handang ibahagi kung ano ang naging sanhi ng kanyang sama ng loob.

Ani Zsa Zsa, “I am not yet in a position to say much and answer all of your questions but this much is true: BE STRONG AND MOVE ON. HARBOR NO BITTERNESS IN YOUR HEART. BE THANKFUL. Love and peace to everyone.”

Kung matatandaan, last week, nag-post din ang singer-actress as IG ng broken heart emoji na may caption na, “I acted like it wasn’t a big deal, when really it was breaking my heart.”

Ang nasa isip ng kanyang followers, may kinalaman ito sa pagbabagong-mukha ng ASAP. Hindi na raw kasi nakasali si Zsa Zsa sa Sunday musical show ng ABS-CBN kaya dinamdam daw ito ng Divine Diva.

Ngunit ayon sa isang source, semi-regular daw si Zsa Zsa sa bagong ASAP kaya wait n’yo na lang daw kung kailan siya uli lalabas sa programa.

Read more...