Death squad vs NPA joke lang?

DUDA si Sen. Panfilo Lacson na seryoso ang Pangulong Duterte na magbubuo ito ng death squad na itatapat sa rebeldeng New People’s Army.

Ayon kay Lacson, hindi seryoso ang Pangulo nang sabihin nito sa talumpati na lilikha siya ng death squad. Aniya, alam ng Pangulo, bilang abogado at dating prosecutor, kung ano at hindi ang naaayon sa batas.

Hirit naman ni Sen. Gregorio Gringgo Honasan, karapatan ni Duterte na gumawa ng mga hakbang laban sa rebeldeng grupo subalit dapat ay naayon sa batas ang mga ito.

Aniya, responsibilidad ng gobyerno na panatiliin ang katahimikan para sa seguridad ng mamamayan at mga ari-arian.

Nababahala naman si Sen. Grace Poe kung seryoso ang Pangulo sa pagbuo ng death squad laban sa NPA.
Subalit sinabi niya na minsan ay nakapagsasalita ng nakakabahala sa publiko si Duterte pero hindi naman dapat agad siniseryoso.

Read more...