NFA rice itataas ng P6/kilo

TINUTULAN ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang plano ng National Food Authority na itaas ang presyo ng binibili nitong bigas sa susunod na taon.

Mula sa P27 kada kilo ay plano ng NFA na itaas ito sa P33-P35 upang magkaroon ito ng maliit na kita at hindi malugi.

“It is unjust and basically anti-poor. NFA is very wrong to assume that a P6-P8 increase in their products is acceptable.  It was created mainly to cater to the needs of the poor, those who can’t afford to buy commercial rice. The proposed increase is against its basic mandate,” ani Casilao.

Duda rin si Casilao na sinasadya ng NFA ang kakulangan ng suplay upang magkaroon ito ng rason sa pagtataas ng presyo.

Naguguluhan na rin umano ang solon sa posisyon ng NFA dahil noong una ang sinasabi nito ay pababahain nila ang bigas sa merkado upang bumaba ang presyo tapos ngayon ay sasabihin nito ang plano na itaas ang presyo.

“The NFA’s mandate is to ensure affordable price of rice. It should follow its mandate of catering ordinary Filipinos, mostly the poor who can’t buy commercial rice in the market.”

Read more...