Empress, Kristel, Andrea nakatakas sa ingay ng Maynila


SINULIT  ni Kristel Fulgar ang isang linggong pananatili sa isang probinsya sa Samar habang sinu-shoot ang pelikulang “Kahit Ayaw Mo Na” kasama sina Empress Schuck at Andrea Brillantes.

“Bilang vlogger po, ang dami kong pinuntahang tourist spots. Ang gaganda po talaga. Ang ganda talaga ng Samar!” pahayag ni Kristel nang humarap sila sa entertainment press last weekend.

“Ako naman, masaya on the part na nakawala ka sa Maynila. Siyempre, dito, di ba, usok, traffic? Masaya ang pakiramdam na nasa probinsiya ka. Gusto ko ‘yon eh. Tahimik. Nakaka-relax ka.

“Wala ka mang pahinga dahil sa shooting, travel by land, nakakapagod. Puyat lang ang challenge doon pero masaya naman,” saad naman ni Empress sa karanasan sa pagtatrabaho sa malayong lugar.

Makikita ang ganda ng Western Samar sa latest offering ng Viva Films na idinirek ni Bona Fajardo at mapapanood na simula sa Dec. 5.

Read more...