INAMIN ni Aiko Melendez na kung minsan ay nagtatampo siya sa binatang anak na si Andrei.
Ayon sa aktres, may pagkakataon kasi na mas nag-o-open up ngayon ang anak sa kanyang boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun.
Pero sabi ni Aiko, mas nagpapasalamat siya dahil may isa pang tumatayong tatay si Andrei at mahal na mahal ni Mayor Jay ang dalawa niyang anak.
“They’re very close with Mayor,” ani Aiko nang makausap namin kamakailan sa Subic, Zambales.
Dugtong pa ng award-winning actress, “Especially si Andrei, kasi lalaki. And then, he’s already 20. So, actually, minsan nga, nakakatampo. Kasi si Andrei, yung problema niya, mas alam pa niyang una than me.
“Kasi siguro, may mga bagay na mas comfortable siyang sabihin sa kanya than me,” chika ni Aiko. Hirit pa niya, “Si Marthena kasi, 12 years old pa lang. So, medyo shy-shy pa siya. Pero okey sila.”
Ang sabi naman ni Jay, “Kasi lalaki, siyempre mas mabilis siyang mag-open up pag lalaki rin ang kausap.
“There are certain things na hindi niya (Andrei) kayang sabihin sa mommy niya when it comes to guy talk, di ba?” Na sinagot naman ni Aiko ng, “Pinapadaan sa kanya.”
Si Andrei ay anak ni Aiko sa una niyang asawa na si Jomari Yllana, habang si Marthena naman ay anak niya sa ikalawa niyang asawa na si Martin Jickain.
In fairness, kasal na lang talaga ang kulang sina Aiko at Jay, dahil parang mag-asawa na rin ang turingan nila. Talagang iniwam muna ng aktres ang kanyang trabaho sa Maynila para samahan ang kanyang boyfriend sa pag-iikot sa Zambales na kakandidato nga roon sa pagka-Vice Governor.
More than one year nang magkarelasyon ang dalawa at ipinagdiwang nga nila ang kanilang anniversary kamakailan sa Japan.
May pagsisisi ba na mas pinili niyang tulungan ang kanyang boyfriend sa political ambition nito kesa sa kagustuhan din niyang magserbisyo-publiko sa Quezon City?
“Not a single tinge of regret! Worth it naman na samahan siya. And I’ve been telling this nga, parang, with all his sacrifices and hard work naman, I want him to win. Because he deserves the position.
“I want to help him. And he didn’t ask for it. I was the one who offered,” sey pa ni Aiko.
Singit naman ni Mayor Jay, love na love ng tatay niya si Aiko. Na sinagot naman ng aktres ng, “Ang family rin naman niya, mahal ko. Kasi, mabubuti silang tao.”
Samantala, magiging busy din si Aiko sa mga susunod na linggo para sa promo ng 2018 MMFF entry nilang “Rainbow’s Sunset,” kung saan gaganap siyang mayor at isa sa tatlong anak ng mga bidang sina Eddie Garcia at Gloria Romero.