NASAWI ang buntis na guro matapos takpan ng unan ng mister ang kanyang mukha dahil umano sa pagseselos, sa Dumaguete City, Negros Oriental, Martes ng umaga.
Nakilala ang biktima bilang si Virginia Montesor, isang public school teacher sa Brgy. Dubdub, Valencia, na 7-buwang buntis, ayon sa ulat ng Central Visayas regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-5:45, habang natutulog si Virginia at ang mister na si Ronald sa bahay na katabi ng isang simbahan sa San Jose ext., Brgy. Taclobo.
Gumising si Ronald, kumuha ng unan, at itinakip ito sa mukha ng misis hanggang sa malagutan ng hininga ang huli, ayon sa ulat.
Nadakip ang suspek at hinahandaan na ng kasong parricide, ayon sa pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES