TALAGANG inaabangan ng mga manonood ang mga nakakalokang kaganapan sa GMA Afternoon Prime series na Ika-5 Utos after Asawa Ko Karibal Ko. Mas tumaas pa ang rating nito tuwing hapon dahil nga sa mga pasabog na eksena ng programa.
E, kasi nga talaga namang ibang level ang mga eksena ng tatlong bidang sina Jean Garcia, Gelli de Belen at Valerie Concepcion na dating magkakaibigan na ngayon ay mortal nang magkakaaway dahil sa mga nangyari sa kani-kanilang pamilya.
Nitong nakaraang episose nga ng serye ay nag-trending na naman ang eksena sina Valerie at Jean kung saan tinakot ng una ang dating BFF na nang-agaw sa kanyang asawa na tatadtarin niya ito gamit ang isang palakol kahit na nga buntis ito.
MOST READ
LATEST STORIES