NANGAKO ang task force ng Ateneo de Manila University na mananagot ang nasa likod ng rape sakaling maberipika ang isang anonymous report ng panggagahasa sa loob mismo ng campus.
Tiniyak ng pinuno ng Sexual Misconduct Task Force ng Loyola Schools ang malalimang imbestigasyon matapos mag-post ang hindi nagpakilalang babae na siya ay biktima ng sexually assault sa loob mismo ng comfort room sa 5th floor ng Loyola Schools CTC building.
“We are shocked and outraged by this report. Rape is a heinous crime and is a grave violation of a person’s bodily integrity and human dignity,” sabi ni Dr. Mira Ofreneo sa isang pahayag noong Nobyembre 24.
“No one should be made to suffer such an act of sexual violence,” dagdag ni Ofreneo.
Tiniyak ni Ofreneo na sineseryoso nila ang anonymous report at iniimbestigahan na kung totoo ang ulat.
Nanawagan din si Ofreneo sa publiko na “remain calm and vigilant, and to avoid any speculation so as to prevent disinformation from spreading.”