NAGPOSITIBO sa red tide toxin ang coastal water ng Pampanga, at bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal sa Bataan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nananatili pa ring positibo sa paralytic shellfish poison ang Matarinao Bay sa Eastern Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; coastal waters ng Milagros sa Masbate; at Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ipinaalala ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish at alamang na nakukuha sa mga lugar na ito ay hindi ligtas kainin.
Ang mga isda, pusit, hipon at alimango sa mga lugar na nabanggit ay maaaring kainin kung huhugasan ng mabuti at aalisan ng laman-loob bago lutuin.
MOST READ
LATEST STORIES