NAGKAROON ng dalawang phreatic eruption ang Bulkang Mayon kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology una itong pumutok alas-7:59 ng umaga. Nasundan ito alas-8:04 ng umaga.
Umabot sa 300 hanggang 500 metro ang taas ng ibinuga nitong abo.
Posibleng mayroon magma na umaakyat sa bunganga ng bulkan kaya lumalakas ang pressure sa ilalim.
Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon. “This means that Mayon is at a moderate level of unrest.”
Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko sa biglaang pagsabog at pagdaloy ng lava.
MOST READ
LATEST STORIES