Kris nagpaka-sisteraka kay Mega: Ipagdarasal kita at ang iyong pamilya

MATAPANG na nagpahayag ng suporta si Kris Aquino para kay Sharon Cuneta sa gitna ng pamba-bash sa Megastar dahil sa usaping politika.

Nagsimula ang pambabatikos kay Sharon nitong weekend nang mag-post siya sa Instagram ng photo ng kanyang kapatid na si Chet Cuneta, habang itinataas ang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibig sabihin nito, ineendorso ni Digong ang kandidatura ng kapatid ni Mega bilang mayor ng Pasay City sa darating na 2019 mid-term elections.

Sa comments section ng IG post ng singer-actress, binanatan siya ng mga netizens. Pinuna ng mga ito ang kanyang pro-Duterte post dahil nga sa pagiging asawa naman ni Sen. Kiko Pangilinan na presidente ng Liberal Party, ang opposition sa kasalukuyang administrasyon.

Feeling ni Kris, kailangan niyang maiparamdam kay Sharon ang kanyang suporta dahil sa kinakaharap nitong kontrobersya, “I need to comment to send you a virtual HUG… who will support each other unconditionally BUT siblings?”

Dagdag pa ng Social Media Queen, “Ate S, i hope i am remembering the circumstances correctly- we taped an episode in your Westgrove home in the early 2000s and you mentioned to me your kuya had a crush on me and I had said-sayang it would have been a dream come true to be your sister in law.

“We live in a democracy, and it will really be up to the voters to decide BUT from all i have gotten to know about you through our regular communication for most of this year, araw araw kang iikot & magha house to house para sa kuya mo.

“And i hope people will view this as important, you are his only sibling who shares his exact DNA and you make an honest living-hindi ka aasa sa kanya kung sakaling siya ang piliin ng taong bayan.

“Malaking consideration dapat yun para sa mga constituents. My prayers are with you & your whole FAMILY.”

Parehong galing sa political fa-mily sina Mega at Tetay, ang yumaong ama ni Shawie na si Pablo Cuneta ay naging mayor ng Pasay sa loob ng 41 taon.

Si Kris naman ay anak ni dating Sen. Ninoy Aquino at ni former President Cory Aquino habang ang kanyang Kuya Noynoy ay naging ika-15 pangulo ng bansa.

Read more...