MARAMING fans ang gustung-gusto nang mag-revenge ang Eva character ni Julia Barretto sa Ngayon At Kailanman.
“Who else here is as excited as me for Eva’s revenge?! Hungry for some feisty Eva,” tweet ni Julia na sinagot naman ng kanyang fans.
“Now watching Ngayon at Kailanman. Super excited sa araw-araw na mangyayari sa buhay ni Eva. Lalo na ngayon na malalaman na ni Rebecca na hindi naman pala talaga niya anak si Roxanne (Elisse Joson).”
“We’ve been watching you since day one here from Kuwait. Lagi kaming nag aantay ng Ngayon at Kailanman kasama ng ka roomates ko na mapanood after work. Nakakatuwa ang palabas nyo. Ayoko ng naapi ka jan. Please stay strong. Laban lang! Love from OFWs in Kuwait.”
“Go eva! Inaabangan namin yan, ung bidang palaban at hindi api-apihan.”
“Ms. Gorgeous, okay lang po ba na huwag ko muna i-watch ang Ngayon at Kailanman (JokE!) kasi naaasar ako, kala ko malalaman mo na ikaw na talaga ang anak ni Ms. @MissIzaCalzado hindi pa pala nasasad ako. Wait ko na lang pag nalaman na ulit. Hehehehe. More power to you !!! @KapamilyaTFC.”
Sa latest kaganapan sa NaK ay nakialam na si Angela (Alice Dixson) sa DNA test nina Eva (Julia) at Rebecca (Iza) kaya nabago ang resulta at lumabas na si Roxanne (Elisse) ang anak ni Rebecca.