#WalangIwanan: Relasyon nina Kathryn at Daniel pang-forever na


PARA sa isang magka-loveteam sa harap at likod ng mga camera na tulad nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay magiging mahirap nga para sa kanila ang kahit panandaliang paglalayo lang.

Nasanay na kasi silang palaging magkasama. Araw-gabi yatang nasanay sina DJ at Kath na tapos na ang kanilang trabaho ay sila pa rin ang magkatabi.

Nang magpunta sa Ormoc si Kathryn para sa shooting ng pelikula nina Richard Gomez at Sharon Cuneta ay hindi lang siya kumibo, pero ikinalungkot niya ‘yun, dahil magkakalayo sila ng kanyang boyfriend.

Hindi sapat ang pagdalaw sa kanya ni Daniel, sandaling panahon lang ‘yun, mas mahaba ang pagkakataong hindi sila magkasama.

Napakahirap pa naman ng signal sa location nila, bundok ang pinagsusyutingan ng “Three Words To Forever,” kaya hindi madalas ang kanilang komunikasyon. Pero dahil professional na artista ang dalaga ay tiniis niya ‘yun, si Daniel naman ay naghintay lang, hindi ang tipo ng guwapong binata ang pagiging daga kapag wala ang pusa.

Sa mga magkaka-loveteam ngayon ay ang kina Daniel at Kathryn ang pinakamatatag. Wala silang problema. Malakas ang suporta sa kanila ng mga lo-yalista nilang fans, malalim na ang pundasyon ng KathNiel na hindi na mabubuwag ng kahit ano at kahit sino.

Read more...