Hunk actor na may gf na aktres may ‘inaalagaang’ gwapong atleta

MADALAS makita ngayon ang isang kilalang hunk actor na nanonood sa practice ng paboritong laro ng kanyang ipinakikilalang kaibigan. Basta may oras ang hunk actor ay nandu’n siya.

Nagtataka lang ang mga miron sa practice, abalang-abala ang hunk actor sa dami ng kanyang trabaho, pero bakit naisisingit pa niya ang pagbababad sa practice ng guwapong player?

Kuwento ng isang source, “Hindi ba naman nakapagtataka ‘yun? Di ba, busy siya ngayon? Marami siyang ginagawang projects, pero nakakahanap pa siya ng time para manood ng practice ng friend daw niya?

“Napaka-supportive niya namang kaibigan, kung ganu’n, dahil kahit pa sobrang hectic na ang schedule

niya, e, nababantayan niya pa rin ang friend niya,” nagtatakang chika ng aming impormante.
Matagal nang pabulong na pinagkukuwentuhan ang kalamyaan ng hunk actor na ito. Ipinakikita niya ang kanyang mga abs, naglalakihan ang kanyang braso, pero hindi siya bruskong kumilos.

“Nu’ng minsan ngang rumampa siya, ang dami-dami nila, pero siya lang ang napansin ng mga nandu’n na kumekembot kung maglakad? Lalaking-lalaki ang gusto niyang image, pero kakaiba naman ang kilos niya, parang lalaki nga ang hanap niya,” naalala rin ng isa pang source.

Minsan nang naugnay ang pangalan ng hunk actor na ito sa isang aktres pero wala namang gustong maniwala na totoo ang kanilang relasyon.

“Kung anu-anong paglalambingan na nga sa harap ng mga reporters ang ginagawa nila, pero ganu’n pa rin, pinagdududahan pa rin ang relasyon kuno nila!

“Umamin na sila, pero ayaw pa ring maniwala ng marami na sila na nga, ano pa ba ang kailangang gawin ng hunk actor na ito para paniwalaan siya na may girlfriend nga siya?

“E, paano nga siya paniniwalaan kung ganyan naman na maraming nakakakita sa kanya na bumabantay sa practice ng guwapo niyang kaibigan? Alam ba ‘yun ng girlfriend niya?

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi rin kaya kayo naniniwala na may girlfriend ang hunk actor, kaya lagyan n’yo ng X ang name niya?” pagtatapos ng aming source.

Read more...