Isang video birthday greeting mula kay Sam ang ipinalabas sa programa kaya naman kitang-kita ang pagkakilig ni Karla dahil hindi niya inaasahan ang pagbati ng Kapamilya hunk.
“Okey na sana eh! Pero nu’ng in-Ate niya ako, biglang gumuho ang mundo ko eh! ” pabirong bulalas ng isa sa mga host ng Magandang Buhay.
“Wala namang masama sa crush no! Ha-hahahahaha!” ang natatawang pahayag pa ni Momshie Karls.
Pati ang co-hosts ni Karla sa MB na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ay kinilig din sa nakita nilang reaksyon sa nanay ni Daniel Padilla.
Sa kanyang birthday episode ay wala ring kiyemeng inamin ni Karla na wala na sila ng boyfriend niya of seven years. Karla said, this time ay hindi na siya ang maghahanap ng pag-ibig at hahayaan niya na lang daw na ang panahon ang magbigay nito sa kanya.
“In God’s perfect time na lang! Sa ngayon, okey na ako. Ayoko nang hanapin although yan ang laging sinasabi ng friends ko, na dapat ganito at ganoon. Pero saka na. Darating yun sa tamang panahon,” ang sabi sa amin ni Karla.
“Kung magkaroon man ako, yung mahal ko at mahal niya ako at mamahalin niya ang mga anak ko at buong pamilya ko,” dagdag pa ni Karla.