2 kilalang radio celeb madalas magtalakan off cam


MADALAS palang magtalo ang dalawang tanyag na radio personalities off air. Reason: the female picks on her male partner’s seeming unpreparedness for a day’s board work.

Ugali kasi ng babae na bago sumalang sa booth ay nabasa na niya ang sangkaterbang diyaryo from cover to cover. ‘Ika nga, armado na siya ng kaalaman sa mga kaganapan sa paligid para pagdating nga naman sa kanilang talakayan ay hindi siya nangangapa.

Inis na inis siya sa kanyang ka-tandem dahil papetiks-petiks lang daw ito sa tingin niya. Pero ‘yun ang akala niya.

Between the two, ‘di hamak na mas beterano sa balita at pagbabalita ang lalaki kumpara sa mareklamo nitong partner whose shows in the past were not 100% hard news in nature and content.

Kahit wala nang script ay mamaniin lang ng lalaki ang pagngawa sa himpapawid. Tila ang gusto yata ng babae is for her co-anchor to be like her. Pero hindi ba’t nakaka-bad trip ‘yung may kasama kang punctilious o mapagpansing katrabaho na sa halip na pakialaman na lang niya ang kanyang trabaho ay trabaho ng iba ang pinag-aaksayahan ng panahon (hmmm, been there myself)?

Da who ang tandem na ito? Ikubli na lang natin sila sa mga alyas na Ivan Octavio at Alessandra Lesotho.

Read more...