Direktor ng ‘Daddy’s Gurl’ sa fans ni Maine: Ano’ng problema n’yo?!


AGAD-AGAD na sinupalpal ni direk Chris Martinez sa Twitter ang mga bashers niya.

Marami kasi ang pumalag sa chikang ige-guest si Alden Something sa sitcom ni Maine Something. May mga nag-suggest pang gawin itong regular.

Nagsimula ang lahat when direk Chris posted photos sa kanyang Twitter account na kuha sa production meeting nila sa resto ni Alden.

Noong una, ang kasama lang ni direk Chris ay ang kanyang staff. Then, after the meeting ay dumating si Alden kaya naman marami ang nag-assume na fans ni Alden na the meeting is about his inclusion in the sitcom.

Maraming pumalag na fans ni Maine kaya naman na-bash nang husto si direk Chris.

“Ano ba kailangang sagutin? Ano ba ang tanong nyo? Nagmeeting ako sa Concha’s. dumating si Alden. Nagpiktyuran kami. ANO ANG ISSUE?! ANO ANG TANONG? ANO ANG PROBLEMA NYO?!” tweet ni direk Chris addressed to his bashers.

May isang fan na tila sumagot and said, “So hindi totoong may guesting si ngalangala sa Daddys Gurl. Assuming lang ang anays! Paanu nah ang ilusyon ng hibangs? Pero infer ang tapang ng director na itu. Palaban!”

q q q

Tawang-tawa ang netizens sa bagong kapalpakan ng GMA show na pinagbibidahan ng isang maliit na babaeng aktres.

Sa isang eksena kasi ay nalunod ang isang young star sa dagat. Recent lang ang episode kaya naman mainit-init pa ito sa social media.

Tawang-tawa ang netizens kasi nalunod ang isang female star gayong meron naman itong suot na life vest.

Hindi ba nakakatawa na malunod ang isang taong naka-life vest. Ayun, lait ang inabot ng nasabing eksena.

Teka, wala bang nakaisip man lang sa production staff na nakakatawa ang ganitong eksena sa teleserye?

Naku, lait ang inabot ng teleserye. Siyempre, ang napuruhan ay ang network, ang director ng serye at maging ang writer nito. Any comment, GMA 7?

q q q

Kabogera itong si Leandra Gabrielle Batingan or simply Lean na representative natin sa upcoming Miss Teen Universal 2018 pageant scheduled on Nov. 28 to Dec. 4 na gaganapin sa Bali, Indonesia.

When we interviewed her kasi, we noticed how fluent she is sa King’s language. This is not surprising since this 18 years old Humanities and Social Sciences student is a voracious reader at nagwagi na ng ilang beauty contests.

She was Reyna ng Sining at Kultura sa Singkapan beauty pageant, Miss Earth Philippine candidate and second runner-up in Miss Econest held in Subic recently.

What’s easily noticeable kay Leandra is her svelte figure. She’s lean at matangkad at 5’7.

When we asked her how she prepares for a competition especially the question and answer portion, she shared na her routine includes eating chocolates.

“Siguro po ‘yung chocolate. Madalas po akong mag-take ng chocolates when I practice the Q and A portion because it stimulates the brain,” she shared.

Len Carillo, head and founder of 3:16 Events and Talent Management Company, is managing
Leandra.

Read more...